CAGAYAN DE ORO CITY – (UPDATE) Nahuli sa pamamagitan ng follow up operation ng Libertad Municipal Police Station ang isa limang suspek na nakatakas sa naganap na pamamaril sa check point ng Poblacion, Libertad, Misamis Oriental, kagabie.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa Municipal Mayor ng Libertad, inamin nitong na trauma at nagpanic ang kanilang mga residente dahil sa naganap na gulo kagabi kung saan nag resulta ito sa matinding trapiko sa kanilang highway..
Dahil sa naganap na shootout mula sa sinasabing PEREZ ORGANIZED SYNDICATED GROUP, napilitang si Mayor Leonardo Uy na i-suspende muna ang klase nga lahat ng lebel sa munisipyo lalo na’t inamin ng mga pulisya nga “fully armed ang apat pa na nakatakas.
Kinilala ng alkalde ang isa sa mga nahuli, bandanag alas 3 ng madaling araw na si Richardson Perez, na resident ng Brgy. Iponan sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Kung matatandaan, napatay sa shootout ang pulis na si Police Staff Sargeant Ronald “Boboy” Caayupan dahil sa tama ng bala sa kanyang dibdib.
Patay rin sa nasabing engkwentro ang driver ng puting Mitsubishi Mirage na ginamit nga mga armado sa kanilang pagtatangkang makalusot sa PNP Check point.