CENTRAL MINDANAO- Isang 65 anyos na lalake at Covid 19 suspect ang nasawi sa probinsya ng Cotabato.
Ito mismo ang kinumpirma ng Department of Health (DOH-12) at Cotabato 2nd District Board Member Dr Philbert Malaluan at pinuno ng COVID-19 Provincial Inter-agency Task Force.
Nasawi ang pasyente dahil sa atake sa puso (myocardial infarction).
Nakakaranas din ito ng high-risk pneumonia, chronic (Stage V) kidney disease and severe anemia.
Hanggang ngayon ay di pa lumabas ang swab test ng 65-anyos na lalake at hinihintay pa ng lokal na pamahalaan ng Cotabato.
Sa datus ng DOH-12 patuloy ang pagbaba ng Person Under Monitoring sa probinsya ng Cotabato ng mayroon na lamang 55 katao,Suspect 25,Probable 7, Confirmed Cases 3 at Recovered 1.
Sa dalawang Confirmed cases PH3671 at PH3989 hanggang ngayon ay di pa lumabas ang kanilang swab test result.