LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang driver ng motorsiklo matapos ang nangyaring aksidente sa Brgy. Corocor sa bayan ng Bacarra.
Ayon kay Police Major Arnel Tabaog, hepe ng PNP Bacarra, ang mga biktima ay sina RG Tumbaga, 22-anyos at si Roel Tumbaga, nasa legal na edad, parehong construction worker at residente ng Brgy. Sulvec sa bayan ng Pasuquin.
Ipinaliwanag ni Tabaog na nangyari ang insidente habang patungong hilagang direksiyon ang motorsiklo at may kasunod na SUV.
Sinabi ni Tabaog na bilang nagpreno ang driver ng SUV dahilan upang mawala sa kontrol ang driver ng motorsiklo na posibleng dahilan din ng pagkabigla nito.
Dahil dito, iniwasan ng motorsiklo ang SUV ngunit bumannga ito sa Honda CRV na patungong timog na direksyon at sinakyan ng driver na si Chia Calixta ‘Y Visco, 3anyos at residente ng Brgy. Poblacion 2, Pasuquin.
Ayon kay Tabaog, parehong tumilapon sa kalsada ang magkapatid na lulan ng motorsiklo at agad na naitakbo ang mga ito sa ospital ngunit naideklarang died on the spot sa lugar ang nakababatang Tumbaga.
Dagdag ni Tabaog na malalang sugat sa ulo at nabali ang paa ng namatay na Tumbaga .
Nalaman na nagmula sa Brgy. Nalbo sa lungsod ng Laoag ang magkapatid at parehong may impluwensya ng alak ang mga ito.
Samantala, ipinaalam ni Major Tabaog na isang buwan pa lamang ang nakalipas mula ng nanganak ang misis ng namatay na biktima.