CENTRAL MINDANAO- Isa ang nasawi at tatlo nasugatan sa tangkang pagpapalusot ng illegal na kontrabando sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Vhan Mangcog Ali, 40 anyos, may asawa at sugatan ang kanyang kasama na si Tahir Musa,53 anyos,mga residente ng Barangay Poblacion Pagalungan Maguindanao.
Dalawa naman ang sugatan sa mga sakay ng townace jeep na binangga ng Toyota Avanza ng mga suspek.
Ayon kay Pigcawayan Chief of Police Major Jayson Baynosa na nagsagawa sila ng intrapment operation sa mga suspek na nagbebenta ng mga smuggled cigarettes sa bahagi ng Barangay Upper Baguer Pigcawayan Cotabato.
Agad natunugan nina Ali at Musa ang mga pulis kaya mabilis itong sumibat at nagpaputok.
Gumanti ang mga otoridad sa pagpaputok ng kanilang mga armas at hinabol ang mga suspek.
Dahil sugatan na ang driver ng Toyota Avanza ay binangga nito ang pampasaherong townace jeep malapit sa kanto ng national highway, bahagi na ng Barangay Baguer Libungan Cotabato.
Agad dinala ang mga sugatan sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay si Ali.
Narekober sa sinasakyan ng mga suspek ang isang kalibre . 45 na pistola bearing serial number 821735 loaded ng magazine na may anim (6) na bala; siyam na boxes ng Fort cigarettes na nagkakahalaga ng Php135,000 ; dalawang piraso ng small sachets ng suspected shabu; isang unit ng Toyota Avanza na may plate number NDC8211; 1 piraso ng fire cartridge case ng .45 Caliber Pistol; at Eleven Thousand Pesos na cash.
Pinuri naman ni PNP-12 Regional Director Bregadier General Alexander Tagum ang Pigcawayan PNP sa matagumpay nilang operasyon.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa naturang pangyayari at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 1401 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA










