CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang babae nang magulungan ng dumptruck sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Joylen Soriano,45 anyos at sugatan ang kanyang mga kasama na sina Lourdes Barrieto at ang driver ng motorsiklo na si Ruel Tandoy,51,mga residente ng Barangay Capayuran Pigcawayan Cotabato.
Ayon kay Pigcawayan Chief of Police Major Carl Jayson Baynosa na lulan ang mga biktima ng motorsiklo sa Brgy Capayuran patungong national highway ng sila ay mahagip ng Dumptruck na minamaneho ni Eddie Escondeda, 46 anyos, at residente ng Brgy. Balogo, Pigcawayan, Cotabato, at pagmamay-ari ng LGU-Pigcawayan.
Tumilapon ang tatlong biktima at nagulungan ng dump truck ang ulo ni Soriano na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Swerteng nakaligtas at tanging galos lamang ang natamo nina Barrieto at Tandoy.
Samantala, ikinabigla naman ni Escondeda ang pangyayari at maging siya ay hindi ginusto ang aksidente.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa naturang pangyayari.