-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sumiklab ang engkwentro ng magkaaway na grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Sianga Lompog,42 anyos, may asawa habang sugatan naman sina Kamlon Sandigan at Dong Shariff, mga miyembro ng MILF Inner Guard Base Command.

Ayon kay MILF Chief of Staff at BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua na nagkasagupa ang dalawang grupo malapit sa MILF Administrative Camp Darapanan sa Sitio Egang Barangay Darapanan Sultan Kudarat Maguindanao.

Ilang sibilyan ang lumikas sa takot na maipit sa naglalaban na armadong pamilya.

Agad naman itong humupa nang mamagitan ang mga lider ng MILF.

Patay on the spot si Lompog habang sugatan naman sina Sandigan at Shariff.

Sinabi ni BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua na personal na alitan ang ugat ng engkwentro at agad naman itong naayos.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsisikap ng pamunuan ng MILF na hindi na maulit pa ang nangyaring di pagkakaunawaan na nauwi sa labanan.