Patay nang barilin ng isang incumbent brgy official ang ‘pulot boy’ o taga-pulot bola ng larong tennis dahil umano sa mainitan na usaping politika sa nalalapit na sa May 9 elections.
Kinilala lamang ang biktima na si alyas Anthony Espina,nasa legal na edad na tubong Zamboanga Peninsula at pansamantalang naninirahan sa Barangay Macasandig ng lungsod.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Nazareth Police Station 9 commander Maj Allan Cairel na nag-iinuman umano ang biktima kasama ang empleyado ng barangay na si Pet Jagualing,Danny Maandig at isa pang personahe ng NBI nang napasyal ang suspek na si Barangay 3 Kag Jonathan Borja.
Inihayag ni Cairel na nag-offer umano ang suspek na siya ang sagot ng gastusin sa kanilang pag-iinuman dahil nais umano nitong mailabas ang sama ng loob epekto ng hindi pagkaka-unawan ng sariling misis kagabi.
Subalit kalaunan ay napunta ang kanilang usapan sa politika at nagtatalo na kung sino ang karapat-dapat na maging susunod na maging bise-alkalde nitong syudad.
Bersyon pa ng inisyal na imbestigasyon ng pulisya na umuwi sa bahay ang suspek at pagbalik ay binaril gamit ang kalibre 45 ang mga kainuman dahilan na patay si alyas Dagani habang sugatan si Jagualing.
Naaresto naman ng pulisya ang suspek at iginiit na kaya niya nabaril ang mga biktima ay dahil pinagtulungan itong ginulpi sa hindi binanggit na kadahilanan.
Magugunitang magtutu-os pagka-bise mayor sa lungsod sa 2022 elections ang kapwa babaye na sina incumbent City Councilors Jocelyn ‘Bebot’ Rodriguez at Edna ‘Inday’ Dahino.