-- Advertisements --

Patay ang isang katao at sugatan ang 14 na iba pa sa nangyaring banggaan ng dalawang pampasaherong tren sa Munich, Germany.

Naganap ang insidente sa S-Bahn urban rail station ng Ebenhausen-Schaeftlarn, southwest of Munich.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay nadiskaril ang isang tren kaya ito bumangga sa kasalubong na pampasaherong tren.

Kaagad na dinala sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Sinasabing mayroong sakay na 95 na pasahero ang dalawang tren.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.