-- Advertisements --
SAN RAFAEL LANDMARK

ILOILO CITY – Isa ang patay at isa naman ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa San Rafael, Iloilo.

Ang namatay na biktima ay si Edmundo Bañas, 64 ng Sitio Busay, Barangay San Dionisio, San Rafael at ang sugatan naman ay si Sheralyn Lalula ng Barangay Ilongbukid sa nasabi ring bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lt. Alexander Lauron, hepe ng San Rafael Municipal Police Station, sinabi nito na may inaayos sa bubungan ng kanyang bahay si Bañas nang tinamaan ng kidlat at nahulog.

Samantala, sumisilong naman si Lalula sa cottage sa isang resort ng tinamaan ng kidlat ngunit masuwerteng mga sugat lang sa katawan ang kanyang tinamo.