NAGA CITY – Patay ang isa katao habang sugatan naman ang isa pa matapos makuryente sa Brgy. Poblacion, Sta Elena, Camarines Norte bago ang pananalasa ng bagyong Ambo.
Kinilala ang mga biktima na sina Lorenzo Novelo, 54 at si Angelica Lotino, 31 na mag live-in partner at residente ng nasabing barangay.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) napag-alaman na habang inaayos ni Lorenzo ang kanilang bubong dahil sa bagyong Ambo ng aksidente itong makuryente.
Sinubukan namang iligtas ni Angelica ang kanyang kinakasama ngunit maging ito ay nakuryente narin.
Base sa imbestigasyon napag-alaman na isang pako sa kanilang bubong ang aksidenteng dumikit sa live wire resulta ng nasabing pangyayari.
Agad namang dinala sa ospital ang nasabing mga biktima ngunit ideneklara ng dead on arrival ng mga doctor si Lorenzo, habang nag tamo naman ng mga sugat si Angelica.
Sa ngayon nag papatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.