KALIBO, Aklan – Umakyat na sa apat ang kaso ng Beta variant ng COVID-19 sa Aklan makaraang isang bagong kaso ang nadiskubre base sa resulta ng ‘whole genome sequencing’ ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institute of Health.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health Western Visayas (DOH VI).
Sa na 23 bagong kaso ng BETA variant na naitala sa Western Visayas, 16 ang mula sa Iloilo Province, tig-dalawa sa Iloilo City at Capiz at tig-isa naman sa Aklan at Negros Occidental.
Bukod dito, iniulat rin ng (DOH VI) na mayroon na rin na dalawang P.3 variant sa Aklan.
Lahat umano ng kaso ng Beta at P.3 variant sa Aklan ay mga lokal na kaso. Pawang nakarekober na sa sakit ang mga pasyente.
Samantala, umabot sa 595 ang bagong kaso ng COVID 19 sa Aklan kahapon matapos bigong makasumite ng datos ang Aklan Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng Provincial Health Office simula Agosto 1 hanggang 3.