Isa na ang naitalang namatay sa 7.6 magnitude na lindol na tumama sa Papua New Guinea ngayong linggo.
Nagtamo rin ng matinding pinsala ang mga gusali sa naturang bansa at nagkaroon ng pagguho ng lupa na naging dahilan ng pagkamatay ng isang katao.
May mga napaulat na ring mga sugatan.
Ang mga residente raw sa northern towns malapit sa epicenter ay apektado rin dahil sa malakas na pagyanig.
Isang miyembro naman ng parliament Kessy Sawang ang nag-ulat na isa ang natabunang buhay sa remote mountain village ng Matoko dahil sa mud fall.
Ang iba naman umanong nasa kritikal na kondisyon ay agad dinala sa pagamutan.
Kung maalala, ang lindol ay tumama sa silangan ng Papua New Guinea na nagdulot ng babala ng tsunami mula sa US Geological Survey.
Ang lindol ay tumama sa lalim na 61 kilometro (38 milya) may 67 kilometro mula sa bayan ng Kainantu.
Nagbabala ang USGS na posibleng magkaroon ng tsunami waves sa loob ng 1,000 kilometro mula sa sentro ng lindol.