-- Advertisements --

Patay ang isang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isa naman ang nahuli sa engkwentro kahapon, aBRIL 28, sa mga sundalo ng 62nd Infantry Battalion sa Sitio Malatanglad Brgy Budlasan Canlaon City Negros Oriental.

Kinilala ang nasawi na si Anthony Curson alyas Miguel, 22 anyos, at nadakip naman si Leonido Montero alyas Lanie, 46 anyos na parehong miyembro ng Central Negros 1 .

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na habang nagsagawa ng foot patrol ang mga sundalo ay pinaputukan sila ng mga rebelde kaya humantong ito sa 5 minutong bakbakan.

Wala namang nasugatan sa panig ng mga tropa ng pamahalaan.

Narekober naman sa encounter site ang 2 kalibre .45 na pistola na may dalawang magazine, at dalawang sling bag.

Ayon pa sa mga otoridad na ang nadakip na miyembro ng NPA ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong murder, paglabag sa Republic Act 8294 at Republic Act 9516, Republic Act 7166, at Republic Act 10591 na inisyu ng Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Branch 64, Guihulngan City, Negros Oriental.

Nauna nang nanawagan sa mga natitirang rebelde si Lt Col William Pesase Jr, commander ng 62IB na sumuko na ang mga ito at ipinangakong mas paiigtingin pa nila ang kanilang mga operasyon para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa Negros Island.