-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos na pagtatagain ng kapwa magsasaka sa San Narciso, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Efren Aureada Jr., 40-anyos, residente ng Barangay Pagkakaisa, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ng kaniyang bahay ang suspek na si Ryan Saunar, 45-anyos ng pasukin ito ng nakainom na biktima sumisigwa at nanghahamon pa ng duelo hanggang sa mag-init na rin ang ulo ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing kumuha ng bolo si Saunar at pinagtataga si Aureada.

Kaugnay nito, nakatakas pa umano ang biktima sa kamay ng suspek ngunit hinabol pa ito ni Saunar at pinagtataga pa ng ilang beses sa batos at ulo na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Sa ngunyan, nasa kustodiya na kan mga otoridad an suspek malalihis man na boluntad na magsuko makalihis isagibo an nasambitan ng krimen.