CENTRAL MINDANAO- Grupo nang Liquidation Squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nanambang sa mga kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si Thong Kaul,40 anyos habang sugatan sina Datu Ali Arsad,29,Mohammad Talipasan Mama,27 at Salindatu Mangulamas,33,mga Cafgu sa ilalim ng 6th Infantry (Kampilan) Division.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan na lulan ang apat na Cafgu sa isang kotse mula sa kanilang kampo patungong Cotabato City.
Ngunit sa pagsapit ng mga biktima sa Sitio Gubat Barangay Makir Datu Odin Sinsuat Maguindanao ay tinambangan sila ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaan mga myembro ng BIFF-Liquidation Squad.
Dahil unang tinamaan ang driver ng kotse ay hindi na nito nakontrola ang manobela at bumangga sa payloader sa gilid ng kalsada.
Patay on the spot si Kaul habang naisugod sa pagamutan ang kanyang tatlong kasamahan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Assir Balindong sa pananambang sa mga Cafgu.