Inaasahang nasa 1.5 million pasahero ang maaccommodate ng Ninoy Aquino International Airport (Naia) Terminal 4 na muling binuksan ngayong taon dahil bilang ng ruta na available sa kasalukuyan ayon sa Civil Aeronautics Board (Cab)
Nitong Marso 28 ng muling binuksan ang NAIA Terminal 4 para sa domestic passengers matapso ang dalwang taong pagsasara dito dahil sa covid19 pandemic.
Ayon kay Cab operations head Eldric Peredo, base aniya sa Manila International Airport Authority kayang makapag-cater ng NAIA terminal 4 ng tatlong milyong pasahero kada taon.
Sa pagtaya nito, na sa kasalukuyang bilang ng mga bukas na ruta nasa 30,000 pasahero ang kayang maaccommodate kada linggo kung makukumpleto ang bilang ng opeartion ng mga airline operators at aabot sa 1.5 million kada taon.
Sa kasalukuyan kasi ayon kay Peredo, ang Cebgo ay mayroong 14 routes, ang AirAsia ay mayroon namang 11 routes, at ang AirSWIFT naman ay may tatlong routes sa Naia Terminal 4.
Ayon kay Peredo magbabalik na rin sa pre-landemic ang lahat ng flights sa NAIA terminal 4.