-- Advertisements --

Posibleng makapagtala ng 800 hanggang 1,200 COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Hunyo kung magtutuluy-tuloy ang pagsipa ng mga kaso.

Pero paglilinaw ni DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang projection na ito ay para makapaghanda tayo sakali mang magpatuloy ang upward trend ng mga covid-19 cases.

Nauna ng sinabi ni Health Secretary Francico Duque III na inaasahan nito ang posibleng minor at short-lived COVID-19 surge.

Subalit sinabi naman ni USec. Vegeire na hindi dapat na tawaging surge ang naitatalang pagtaas ng kaso. Masasabi aniyang may surge kung ito ay biglaang pagtaas.

Sa nagyon kasi kung titignn ang trend ng COVID-19 cases, tumataas ito subalit hindi mabilis at ang nadadagdag na kaso ay hindi din marami.