-- Advertisements --

Pumanaw na ang original drummer ng blues-rock band na ZZ Top na si Frank Beard sa edad na 77.

Ayon sa banda, namayapa ang kanilang drummer sa isang hospice care sa kaniyang ranch sa Richmond, Texas.

Hindi naman na binanggit pa ng kaniyang kaanak ang pinakasanhi ng kamatayan nito.

Dahil dito ay kinansela na ng banda ang kanilang concert tours sa Utah at Colorado.

Taong 1969 ng itinayo ang banda kung saan nagsagawa sila ng konsiyerto matapos ang isang taon.

Naglabas sila ng 15 studio at apat na live albums kung saan pinasikat nila ang mga kanta gaya ng “Gimme All Your Lovin'”, “Sleeping Bag” ,”Viva Las Vegas” at maraming iba pa.

Ang grupo ay binubuo nina founder at lead vocalist na si Billy Gibbons at ang namayapang si Dusty Hill.

Matapos ang pagpanaw ni Hill noong 2021 ay kinuha nila si Elwood Francis bilang bassists.

Sinabi ni Gibbons na labis itong nalulungkot dahil sa pagpanaw ng itinuturing niyang malapit na kaibigan.