-- Advertisements --
image 287

Inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang Russia ay tiyak na maglulunsad pa ng mga bagong pag-atake ng missile sa kanilang bansa sa mga susunod at darating pang linggo.

Kaya naman binalaan niya din ang mga pwersa ng depensa at mga mamamayan na maging handa upang mapaglabanan ang isang bagong linggo ng strain sa power grid.

Una na rito na bumagsak ang snow sa Kyiv na kung saan ang temperatura ay nagyeyelo at may pagtataya pa ng fog na napakalamig sa magdamag.

Sinabi ng mga awtoridad ng lungsod na malapit nang makumpleto ng mga manggagawa ang pagpapanumbalik ng kuryente, tubig at init ng panahon, ngunit ang mataas na antas ng pagkonsumo ay nangangahulugan na ang ilang mga blackout ay ipinataw sa kanilang lugar.

Dagdag dito, milyun-milyon sa loob at paligid ng Kyiv ang nakayanan ang mga kaguluhan na dulot ng mga epekto ng air strike ng Russia.

Una rito, iginiit pa ni Zelensky na ang darating pa na linggo ay maaaring maging kasing hirap ng nakaraang linggo sa kanila na kung saan ang mga pag-atake sa imprastraktura ng kuryente ay nagpasailalim sa mga Ukrainians sa pinakamatinding pagkawala ng kuryente mula noong sumalakay ang mga Russian noong buwan ng February. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)