-- Advertisements --

Naniniwala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mapapaunlakan ni US President Joe Biden ang kaniyang imbitasyon na bumisita sa kanilang bansa.

Sinabi nito na laging bukas ang kominikasyon nilang dalawa mula ng lusubin silang Russia mag-iisang taon na ang nakakalipas.

Tiniyak ng Ukrainian president na masisiyahan si Biden sa pagbisita nito sa Ukraine.

Magugunitang personal na bumisita si Zelensky sa White House bilang pasasalamat sa mga tulong na naibigay ng US sa Ukraine para tuluyang mapalayas ang mga puwersa ng Russia sa kanilang bansa.