-- Advertisements --
Binuksan ng European Union na maging miyembro nila ang Ukraine at Moldova.
Nagpasya rin ang EU na bigyan ng candidate status ang Georgia.
Ikinatuwa naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang nasabing desisyon.
Nanawagan din ang Ukrainian President sa EU na huwag silang traydorin.
Itinuturing pa nito na isang tagumpay ng Ukraine kung tuluyang maging EU members na sila.
Magugunitang pinulong ni Zelensky ang ilang lider ng bansa para humingi ng tulong militar dahil sa patuloy na paglusob ng Russia sa kanila bansa.