-- Advertisements --
Mariing itinanggi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na siya ay miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) kasabay nang pagkondena sa red-tagging ng militar sa mga miyembro ng Makabayan bloc ng Kamara.
Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense, tahasang sinabi ni Zarate na hindi siya rebelde at hindi rin siya miyembro ng National Democratic Front of the Philippines.
Iginiit ni Zarate na ang Bayan Muna at iba pang miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara ay legitimate groups.
Ang kanilang hanay aniya ay kabilang pa nga sa 10 pinaka-aktibong kongresista, pagdating sa bilang ng mga legislative proposals sa Kamara.