Labis ang pasasalamat ni Carlos Edriel “Caloy” Yulo matapos na masungkit ang gintong medalya sa men’s floor exercise ng 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Hans Schleyer Halle sa Germany.

Halos hindi raw siya makapagsalita matapos tawagin ang kanyang pangalan sapagkat ang buong akala raw niya ang pambato ng Israel ang mananalo dahil sa taas ng score na naitala nito na 15.200 points.

Subalit ayon kay Yulo, ganado siyang ipakita sa lahat ang kanyang makakaya.

Talaga namang natunghayan ng lahat ang galing ni Yulo sa kanyang routine makaraang makapagtala ng 15.300 points, di hamak na mas mataas kumpara sa defending floor exercise champion na si Artur Dalaloyan na nagtapos sa ika-apat na puwesto sa score na 14.800 points.

“Mas confident po ako sa landing ko ngayon kaysa duon sa all-around finals last Friday. Malaking bagay din po iyon,” ani Yulo.

“It was God who gave me this gold because I could not have done it on my own,” dagdag pa nito.

Sa panalo ni Yulo, sa unang pagkakataon sa 41 editions ng global gymnastics showcase ay napatugtog ang Philippine national tournament.