-- Advertisements --

Nabiktima ng internet hacking ang YouTube channel ng People’s Televsion Network (PTV).

Sa social media post ng government television, na nitong hapon ng Mayo 2,2023 ay nadiskubre nila ang nasabing insidente.

Naibalik rin nila ang kontrol dakong ala-5:25 ng hapon ng Martes.

Patuloy nilang inaalam kung sino ang nasa likod ng nasabing pag-hack ng kanilang YT channel.