-- Advertisements --
Yeng
Yeng Constantino

Humingi na ng paumanhin si Yeng Constantino sa ilang mga personalidad na kaniyang nabatikos matapos na maaksidente ang asawa nito.

Sa kaniyang social media post, sinabi ng singer na nalinawanagan siya ng kausapin siya ng mga taong malapit sa kaniya.

Pinayuhan siya ng mga ito na maging maingat sa mga binibitawang salita.

Magugunitang nagtamo ng bahagyang memory loss ang asawa ng singer matapos na ito ay mag-dive sa isang lagoon sa Siargao island sa Surigao del Norte.

Dahil sa insidente ay hindi maiwasan ng singer na magalit sa ilang personalidad ng pagamutan kung saan dinala ang asawa nito.

Umani naman ng paghanga mula sa kaniyang mga followers ang ginawang paghingi nito ng tawad ng singer sa mga taong nabatikos niya.