-- Advertisements --

Ibinunyag ng Houthi group ng Yemen na nagsagawa sila ng drone attack sa Abha airport ng Saudi Arabia.

Dahil sa insidente ay nasunog ang isang pribadong eroplano na nasa paliparan.

Ayon kay Houthi military spokesman Yahya Sarea na apat na Houthi drones ang ginamit para sa Abha airport sa southern Saudi Arabia.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng drone attack ang Yemen kung saan kadalasan ay agad na nai-intercept ito ng Saudi Arabia.

Ikinabahala naman ng Saudi-led military coalition ang insidente dahil nadadamay ang mga sibilyan.