Itinanggi ng mga eksperto mula sa Wuhan Institute of Virology ang ulat na posibleng galing sa kanilang pasilidad ang pandemic ngayon na coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa direktor ng laboratoryo na si Dr. Yuan Zhiming, imposible at hindi totoo na sa kanilang pasilidad ang unang pumutok ang outbreak ng sakit.
Katunayan, wala raw kahit isa sa kanyang mga staff ang tinamaan ng COVID-19, lalo na’t nakakalat ang pag-aaral ng kanilang institusyon sa coronavirus sa iba’t-ibang lugar.
Iniimbestigahan ngayon ng Estados Unidos kung posibleng galing sa naturang virology institute, na may high-security biosafety laboratory, ang pandemic na sakit.
Naging laman ng usapin sa internet ang P4 laboratory ng institusyon na may kakayahan umanong humawak ng delikadong uri ng virus.
Pero ni ani Dr. Yuan, noong Enero pa lang daw ay naipabatid na nila sa World Health Organization ang impormasyon tungkol sa pathogen o microorganism na posibleng magdulot ng sakit.
Kamakailan nang sabihin ni US Secretary of State Mike Pompeo na may full investigation na ginagawa ang kanilang mga opisyal kung bakit buong mundo ang apektado ngayon ng virus.
“As people who carry out viral studies, we clearly know what kind of research is going on at the institute and how the institute manages viruses and samples,” ani Pompeo.










