-- Advertisements --

Itinuturing ngayon ng mga eksperto na ang nagyayaring tagtuyot sa malaking bahagi ng Europa ang “pinaka-worst” sa nakalipas na 500 taon o mula noong panahon ng middle ages.

Ayon sa European Union environmental program na Copernicus, ang tagtuyot nitong taong 2022 ang pinakamatindi sa kontinente na kanilang naranasan.

Ang drought ay nakaapekto sa maraming sektor lalo sa agriculture, transport at energy generation.

Una rito ilang mga European countries, kabilang ang Spain, Netherlands, France at UK ang nagpatupad pa ng water rationing measures tulad ng paglimita sa arawan na water consumption at ipinagbawal pa ang car washing.

Naging record breaking din ang temperatura na umabot ng mahigit sa 40 degrees Celcius.

Nitong mga nakalipas na buwan ang temperatura sa Portugal ay umabot pa sa 47 degrees Celsius.

Habang kalahati ng mga teritoryo ng European Union ay natuyo ng husto liban pa sa ikalimang bahagdan ng mga lupain ay apektado na ang pananim.

Ayon pa sa mga pag-analisa huling nangyari ang ganitong kalala na tagtuyot sa summer season ng Europa ay noon pang taong 1540 na tinaguriang mega-drought na umabot sa 11 buwan na walang bumuhos na ulan.