-- Advertisements --

Sumampa na sa 280,087 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos mula sa mga eksperto, nasa 4,095,129 na ang kumpirmadong nahawaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 2,336,153 (98%) ang nasa mild condition, habang ang mga nasa kritikal na kondisyon ay nasa 47,687 (2%).

Nananatili ang Estados Unidos sa may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng coronavirus sa 1,344,683; sumunod ang Spain, 262,783; at nasa ikatlong puwesto ang Italy, 218,268.

Sa kabila nito, lumobo pa sa 1,431,202 ang bilang ng mga nakarekober mula sa deadly virus.