Inumpisahan ng military parade ang pagdiriwang ng Victory Day sa Moscow, Russia na dapat ay noong May 9 pa ginunita.
75 taon na ang lumipas simula nang talunin ng USSR ang Nazi Germany na kumitil sa buhay ng higit 20 milyong Soviet.
Una nang ipinag-utos ni President Vladimir Putin ang suspensyon sa nasabing selebrasypn dahil sa mataas na kaso ng coronavirus pandemic sa bansa. Inilipat ito bago isagawa ang constituitnal vote sa bansa na posibleng magbigay kay Putin ng dalawang taon pa para pamunuan ang Russia.
Sinimulan na rin ngayong buwan ang pagpapaluwag sa ipinatupad na lockdown sa Moscow ngunit nananatili pa ring bawal ang mass gatherings. Ang mga sundalo na dumalo sa parada ay isinailalim muna sa quarantine.
Sa ngayon ay pumalo na ng 606,881 ang kumpirmadong kaso ng deadly virus sa Russia, 58 ang namatay at 368, 822 na ang gumaling.










