Kasabay ng World Teacher’s Day celebration sa Oktubre-5, inaasahan muli na makakatanggap ang mga pampublikong guro ng kanilang insentibo.
Maalalang nauna nang inaprubahan sa Kongreso ang hanggang sa P900 million na magagamit bilang insentibo ng mga guro.
Inaasahan namang 900,000 public school teachers ang makikinabang sa naturang alokasyon.
Tuwing ika-limang araw ng Oktubre, nakakatanggap ang mga pampublikong guro ng P1,000 na insentibo bilang pagkilala na rin sa kanilang serbisyo at sakripisyo.
Nagsimula ang pamamahagi ng benepisyo noon pang 2019.
Samantala, batay sa 2024 na panukalang pondo ng bansa na una nang niratipikahan ng Mababang Kapulungan, mayroong P912 million na nakapaloob dito, na maaaring gamitin bilang insentibo ng mga kaguruan para sa susunod na taon.
Ito ay sa ilalim ng World Teacher’s Day Incentive Benefit.