-- Advertisements --

Bumuhos ng bati mula sa ilang political leaders at kilalang personalidad ang inaasahan nang pagkapanalo nina Democratic candidate Joe Biden at Kamala Harris bilang bagong pangulo at bise presidente ng Amerika.

Hanga raw si dating President Barack Obama sa ipinamalas ng mga kababayan na naging matapang sa pagboto sa kabila ng mga hinarap na pagsubok.

“In this election, under circumstances never experienced, Americans turned out in numbers never seen,” ani Obama.

Ayon sa kanya, maswerte ang Estados Unidos dahil sa mga katangian ni Biden na pasok sa pagiging presidente.

“Because when he walks into the White House in January, he’ll face a series of extraordinary challenges no incoming President ever has – a raging pandemic, an unequal economy and justice system, a demoracy at risk, and a climate in peril.”

Nanawagan ang dating pangulo, na kapwa Democrat nina Biden at Harris, sa mga buong Amerika na suportahan ang kanilang magiging bagong lider.

Para naman kay dati ring President Bill Clinton, demokrasya na ang humusga sa kapalaran ng United States of America dahil nanalo ang dalawang Democractic leader.

Ganito rin ang pahayag ng kanyang asawa, at 2016 presidential candidate na si Hillary Clinton.

“The voters have spoken, and they have chosen Joe Biden and Kamala Harris to be our next presidente and vice president. It’s a history-making ticket, a reputation of Trump, and a new page for America.”

Nagpaabot din nang pagbati sina House Speaker Nancy Pelosi, dating Sen. Bernie Sanders, former first lady Michelle Obama at magiging bagong first lady na si Jill Biden.

“He will be a President for all of our families,” ayon sa asawa ng president-elect.

CELEBRITIES, NATION LEADERS

Bukod sa mga dati at kasalukuyang American government officials, ilang kilalang celebrities at lider ng ibang bansa rin ang nagpaabot ng pagbati sa tagumpay ng tambalang Biden-Harris.

Ilan sa nagpahayag ay ang Hollywood singers na sina Ariana Grande, Pink, John Legend, Lady Gaga, Shakira, at Alicia Keys. Pati na ang TV hosts na sina Ellen DeGeneres at Jimmy Kimmel, NBA superstar Lebron James at aktres na si Reese Witherspoon ay bumati rin.

“You just gave the world one of the greatest acts of kindness and bravery humanity has ever seen,” ayon sa Grammy-award winning at pop icon na si Lady Gaga.

“Celebrating with my children this new phase of unity and healing that begins now with Biden as new president elect,” ayon naman sa Latina singer na si Shakira.

Hindi naman nagpahuli ang socialite na si Kim Kardashian sa pagbati sa pamamagitan ng pagpo-post ng larawan nina Biden at Harris at caption na kulay asul na puso. Asawa ni Kim ang tumakbong independent presidential hopeful at singer na si Kanye West.

Ang prime minister ng Canada na si Justin Trudeau ay nagpahayag din ng pagbati kina Biden at Harris. Sinabi nito na handa na siyang makipagtrabaho sa dalawang opisyal kapag sila ay nakaupo na sa pwesto.

“Our two countries are close friends, partners, and allies.”

Kinilala rin ni United Kingdom prime minister Boris Johnson ang alyansa nila ng Amerika, kaya umaasa rin siya ng pakikipagtulungan ng Estados Unidos sa usapin ng climate change, kalakalan at seguridad.

Para naman kay New Zealand Prime Minister Jacinta Ardern magandang simbolo ang pinapakitang pagkakaisa ng Democrat leaders para matugunan ang problema ng iba pang bansa.

“With so many issues facing the international community, your message of unity is one we share.”