Hinimok ni World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang international communities na tumulong sa natamaan ng malakas na lindol na Syria.
Ito’y matapos ang kanyang unang pagbisita sa mga lugar sa bansang nakaramdam ng nakamamatay na 7.8 magnitude na lindol.
Dagdag dito, naglakbay si World Health Organization chief sa Aleppo at Damascus na kontrolado ng gobyerno upang personal na tingnan ang kalagayan ng mga mamamayan sa nasabing lugar.
Kung matatandaan, umabot sa kabuuang bilang na 50,000 ang mga nasawi sa naganap na lindol sa Turkey at Syria.
Ang United Nations ay naglunsad ng $397million o P21.7 trillion na apela upang tulungan ang mga biktima ng lindol sa Syria.
Una na rito, patuloy pa din ang pagdating ng mga tulong mula sa iba’t-ibang bansa para sa biktima ng 7.8 magnitude na lindol.