-- Advertisements --


Inirerekominda ni Sen. Imee Macros na gawing mandatory ang work-from-home arrangement sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inihain ni Marcos ang Senate Bill 1448, na naglalayong gawing mandatory option work-from-home para sa mga empleyado na hindi naman kailangan ang kanilang physical presence sa lugar na pinagtatrabahuhan at iyong mga nasa mahigit isang taon nang nasa kompanya.

Kaugnay nito, kailangan din aniya na magkaroon ng major modifications sa kanilang work policy ang iba’t ibang sektor upang sa gayon ay masunod ang social distancing measures.

Layon ng panukalang inihain ng senador na amiyendahan ang RA 11165 o ang Telecommuting Act para bigyan ng option na flexible work arrangements ang mga empleyado.

“Should the physical presence of the employee be necessary for a particular task, the employer may require his/her attendance in the workplace, within office hours and during weekdays, but not more than twice a week,” bahagi ng amiyendang isinusulong ng Senate Bill 1448.