-- Advertisements --
Muling tinalo ng Philippine women’s football team ang Tonga 5-0 sa ginanap na international friendly nitong Sabado, Abril 30 sa Valentine Sports Park sa Sydney, Australia.
Ang nasabing laro ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Namuno sa laro sina Anicka Castaneda, Eva Madarang at Carleigh Frilles.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay tinambakan na ng Pilipinas ang Tonga 16-0.
Bukod sa SEA Games ay pinaghahandaan rin ng koponan ang unang beses na pagsabak nila sa FIFA Women’s World Cup 2023.