-- Advertisements --

Sa ika-anim na pagkakataon, panalong muli ang Oklahoma City Thunder matapos nitong payukuin ang katunggali na New York Knicks sa score na 145-135.

Pinangunahan ni Shai- Gilgeous – Alexander ang koponan matapos nitong makakuha ng kabuuang 32 points.

Umalalay naman sa pagkapanalo ng Thunder si Josh Giddey at nakakuha ng triple-double score na 24 points, 12 assist at 10 rebounds.

Samantala, nakakuha naman ang Washington Wizard ng apat na sunod-sunod na panalo matapos nitong talunin ang Memphis Grizzlies sa score na 102-92.

Nakapag ambag naman sina Kristaps Porzingis ng 25 points at Deni Avdija na nakakuha ng 21 points at pinganunahan ang kanilang koponan na Wizard.

Sa iba pang game, umiskor si All-star point guard Darius Garland ng kabuuang 51 points para sa Cleveland Cavaliers ngunit natalo pa rin sila ng Minnesota Timberwolves 99-75. (with reports from Bombo Victor Llantino)