-- Advertisements --

Tinanggal na ng Wimbledon ang kanilang ban sa mga Russian at Belarusian players na makapaglaro.

Ang nasabing ban ay ipinatupad ng All England Club mula pa noong nakaraang taon.

Dahil dito ay makakapaglaro na sila sa torneo ng Wimbledon bilang neutral athletes basta sumunod ang mga ito sa itinakdang kondisyon.

Magugunitang ipinatupad ang pagbabawal na makapaglaro sila dahil sa sabwatan nila ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong nakaraang taon.