-- Advertisements --

Naniniwala ang pinakamataas na opisyal ng Philippine Navy na ang pinakamainam na approach sa pagresolba ng territorial conflict sa China at mapahupa ang umiigting na tension sa West Philippine Sea (WPS) ay sa pamamagitan ng diplomatic channels.

Sinabi ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr., dapat diplomasya at payapang resolusyon sa agawan ng teritoryo ang isulong.

Ayon sa Navy chief, ang tinatawag na “whole-of-government approach” ang maituturing na best strategy sa pagprotekta sa soberenya ng bansa sa mga inaangking teritoryo lalo sa WPS kung saan madalas na hinaharass ng China ang mga Filipino fishermen at wina-water cannon ang ating Philippine Coast Guard.

Inihayag pa ni Adaci na mahalaga ang inter-agency collaboration dahil ang pagdepensa sa West Philippine Sea at sa lahat ng ating maritime environment ay hindi lamang nakadepende sa military, navy o coast guard kundi dapat ay kasama ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at maging ang mga ordinaryong Pilipino.

Kasabay nito, binigyang-diin din ng Navy chief ang kahalagahan ng modernisasyon hindi lamang ng Navy kundi maging ang buong armed forces.

Suportado rin nito ang mga panawagan para sa joint military exercises sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos at Japan na may kahalintulad na maritime interest sa atin