-- Advertisements --
Sumama na ang World Health Organization sa mga nanawagan sa Hamas militants na dapat ay palayain na nila ang hawak nilang mga bihag.
Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na lubos na nakakabahala ang nasabing kaguluhan kung saan maraming mga inosenteng Palestinian na sibilyan at bata ang nadadamay.
Dapat rin na isaalang-alang ang mga kalusugan ng mga sibilyan na nadadamay dahil sa nasabing kaguluhan.
Magugunitang idineklara ng Israel ang giyera sa Hamas matapos ang sorpresang pag-atake ng mga Hamas militant sa Israel.
Tinatayang nasa mahigit 200 na umano ang bihag na hawak ng mga Hamas militant.