-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang World Health Organization (WHO) sa tumataas na banta ng mga nakakahawang sakit sa Gaza strip.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na sa dami ng mga lumilikas na mga residente ng south Gaza at napupuno na ang mga pagamutan ay hindi malayong magkakaroon ng hawaan ng sakit.

Una ng nanawagan ito ng pagbubukas ng mga daanang papasok sa Gaza lalo na ang mga medical supplies at mga tulong medical para sa mga residente doon.

Magugunitang mula ng sumiklab ang labanan noong Oktubre 7 sa pagitan ng Hamas at Israel ay maraming mga residente doon na ang nasawi at nawalan na ng tirahan.