-- Advertisements --

Muling magpupulong ang World Health Organization (WHO) para pagdesisyunan kung dapat bang ituring na global public health emergency ang monkeypox.

Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na ipapatawag niya ang mga miyembro ng emergency committee on monkeypox matapos na magtala ng mahigit 6,000 na bagong kaso sa 58 bansa.

Mula pa noong Mayo ay tumaas ang bilang ng monkeypox infections sa West at Central African countries kung saan matagal na doon bilang endemic.

Dagdag pa nito na nakakabahala na ang pagdami at pagkalat ng nasabing virus.

Magugunitang noong Hunyo 23 ng unang magpulong ang WHO dahil umano sa pagtaas ng kaso ng monkeypox.