-- Advertisements --
China COVID PAF PPEs assistance

Nakikipag-ugnayan na ang World Health Organization sa gobyerno ng China hinggil sa pinaplano nitong pagsisimula ng bagong imbestigasyon sa likod nang coronavirus pandemic.

Ayon kay Maria Van Kerkhove, technical lead ng WHO Health Emergencies Programme, pinag-uusapan na ng magkabilang panig ang nasabing plano ng ahensya.

Dagdag pa ni Van Kerkhove na ginawang basehan ng WHO ang nakalap nitong report mula sa France kung saan nabatid na isa sa mga pneumonia patient ng naturang bansa ay noong December 2019 pa nagkaroon ng COVID-19.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng ahensya tungkol dito.

Kung magugunita, naging mainit ang palitan ng mga salita sa pagitan ng China at United States tungkol sa tunay na pinanggalingan ng virus.

Sisimulan ng WHO ang kanilang annual assembly sa May 18.