Naglabas ang World Health Organization (WHO) ng public situation report hinggil sa tensyon sa Middle East, matapos ang halos dalawang buwan ng digmaan.
Nanatiling sensetibo ang cessation of hostilities mula sa 14-day ceasefire, habang nagpapatuloy ang high-intensity conflict sa Lebanon.
Maraming displacement at population movements ang nagaganap, kabilang ang pagbabalik ng Iranian nationals sa pamamagitan ng Türkiye at paglipat ng Lebanese nationals patungong Syria.
Lumala ang krisis mula fuel price shock tungo sa operational system disruption, na nakaapekto sa health systems at nagdulot ng energy emergencies sa ilang bansa gaya ng Cuba.
Sa Gaza, naapektuhan ang healthcare delivery at water, sanitation and hygiene services, na may kasamang systemic risks tulad ng cold chain failure at medical supply disruption.
Bukod dito, nananatiling mataas ang banta ng environmental at industrial hazards dahil sa pag-atake sa vital infrastructure gaya ng water desalination plants at fuel facilities.
Prayoridad ng WHO ang Lebanon at Islamic Republic of Iran dahil sa malawakang population displacement at mga health risks gaya ng trauma, communicable disease transmission, at exposure sa radiological at chemical hazards.















