-- Advertisements --
avril we are warriors

Ibinahagi sa publiko ng Canadian-French singer na si Avril Lavigne ang kaniyang bagong kanta na alay para sa mga frontliners na nangunguna sa laban kontra COVID-19.

Ang kantang “We Are Warriors” ay re-recording ng kaniyang single na “Warrior” mula sa “Head Above Water” album nito.

Orihinal na isinulat ni Lavigne ang kantang “Warrior” para sa kaniyang pinagdadaanang sakit na Lyme Disease.

Ginawa ang naturang bagong kanta para magbigay ng lakas loob sa lahat ng frontliners sa buong mundo dahil sa kanilang pagiging bayani ngayong panahon ng krisis.

Sa inilabas na music video, makikita ang iba’t ibang mukha ng mga kaganapan sa ospital at maging ang walang katao-taong mga kalsada mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Katuwang ang Project HOPE ay naging matagumpay ang Avril Lavigne Foundation sa pagbabahagi ng naturang kanta.

Ang malilikom na pera mula sa sales at streams ng song ay mapupunta sa isinasagawang COVID-19 relief effort ng Project HOPE na namamahagi ng personal protective equipment (PPE) para sa mga frontliners sa buong mundo.