-- Advertisements --
May napili na ang WBC na makakalaban ni dating boxing champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire.
Makakalaban ng The Filipino Flash para sa bakanteng WBC bantamweight title si Alejandro Santiago ng Mexico.
Inaayos pa ng WBC ang petsa at ang lugar kung saan gaganapin ang nasabing laban.
Sakaling magwagi si Donaire ay bukod sa magiging kampeon ito ay magiging pinakamatandang boksingero para manalo ng bantamweight crown.