-- Advertisements --
Minaliit lamang ng Golden State Warriors ang pagkakaroon na ng kalamangan ng Boston Celtics sa pagsisimula ng kanilang Game 2 ngayong Lunes ng umaga.
Sinabi ni Warriors star Klay Thompson na walang dahilan para sila ay mag-panic dahil sa dumaan na sila nasabing sitwasyon.
Simula pa lamang ang nasabing laro at best of seven ang nasabing Finals.
Inamin naman ni Warriors coach Steve Kerr na kanilang pinanood ang kanilang pagkatalo noong Game 1 at inaral ang anumang maaring adjustment na kanilang ipapatupad.
Magugunitang ginulat ng Celtics ang Warriors 120-108 sa kanilang Game 1 ng Best of Seven finals.









