-- Advertisements --

Nakabwena mano ng panalo ang defending champion na Golden State Warriors matapos na talunin ang Washington Wizards, 96-87, sa pagsisimula ng NBA preseason games na ginanap kanina sa Tokyo, Japan.

Nanguna sa panalo ng Warriors ang nagbabalik na si James Wiseman kung saan nitong nakalipas na buong season ay hindi siya nakalaro bunsod ng knee injury.

Bumawi naman si Wiseman matapos na magpakitang gilas gamit ang 20 points at nine rebounds.

Ang Warriors superstar na si Stephen Curry ay inalat sa tira na meron lamang six points mula sa 13 minuto na paglalaro.

Samantala nagbunyi naman ang sellout crowd sa Saitama Arena nang ipasok ng Washington Wizards ang kanilang Japanese player na si Rui Hachimura na nagtapos ng 13 points at nine rebounds.

Ang naturang exhibition game ay bahagi ng two-game series sa Tokyo kung saan ang ikalawang game ay gaganapin bukas.

Huling nagkaroon ng NBA game sa Japan ay noon pang taong 2019 bago ang COVID pandemic.