
Kaagad na napatay ang isang wanted criminal group member sa operasyon ng PNP (Philippine National Police) sa Zamboanga Sibugay Province.
Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, naglunsad ng joint law enforcement operation ang Kumalarang Municipal Police Station sa pangunguna ni Capt. Nursaibar Mahadi kasama ang Zamboanga Sibugay Police Office at Tactical Operations Wing ng Western Mindanao Command sa Barangay West Boyugan, Kumalarang, Zamboanga del Sur.
Kinilala ni Sinas ang suspek na si Jammodin Cahal, 39-anyos na subject ng warrant of arrest sa kasong frustrated murder.
“He is identified as a member of the Jar-R Palada Criminal Group under a certain Esmael Sanday alias Boy Negro. This group is involved in illegal drug trade, extortion and gun-for-hire activities,” wika ng PNP chief.
Narekober sa encounter site cal. 30 M-1 Garand rifle na may four clips na spare ammunition.
Binigyang-diin ni PNP chief na palalakasin pa nila ang kampanya laban sa mga criminal groups na patuloy na nambibiktima ng mga inosenteng sibilyan.










