-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hindi na tatanggapin sa COVID-19 vaccination sites ang mga indibidwal na hindi nakapagpre-register sa Iloilo City simula ngayong araw.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay upang maiwasan ang mga delayed at pagkumpulan ng mga tao.
Ayon sa alkalde, walang tatanggapin na walk in sa mga vaccination sites.
Ipinaalala naman ni Treñas na dapat sundin ang schedule ng vaccination at ang mga hindi susunod sa nakatakdang araw ng bakuna ay ilalagay sa pinakahuling listahan ng mababakunahan.