-- Advertisements --
Nagsuspinde ang ilang lugar sa bansa ng klase ngayong Martes, Hunyo 30, 2026, bunsod ng masamang panahon at nakatakdang power interruption, ayon sa mga lokal na pamahalaan.
Dahil sa pabagu-bagong lagay ng panahon, suspendido ang mga sumusunod na klase:
- Medellin, Cebu – Suspendido ang klase mula Pre-Elementary hanggang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
- Siaton, Negros Oriental – Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
- Zamboanguita, Negros Oriental – Suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Samantala, dahil sa nakatakdang power interruption, wala ring on-site classes sa mga sumusunod na bayan sa La Union:
- Aringay
- Bauang
- Burgos
- Caba
- Pugo
Pinapayuhan ang mga mag-aaral, magulang, at guro na patuloy na mag-monitor ng mga anunsyo mula sa kanilang lokal na pamahalaan at mga opisyal ng paaralan.
















